Ang pagbibilad ng manok panabong sa araw ay sistema na nating nakamulatan.....noong araw (70's) pangkaraniwan na sa bawat lugar sa probinsya na magsuga ng manok sa arawan.
Karaniwang ginagawa ito pagkatapos mag pakain sa umaga. Ilalagay ito sa talian, kundi naman ay sa scratch pens kung saan ito ay exposed sa early morning sun upang sila'y magbilad, kumahig at gumalaw-galaw. Ang iba ngang manok gustong gusto ito at kusang nagbibilad.
At kapag kainitan na ng araw ay muli silang ipapasok sa holding cage o sa malilim na talian. Ang iba pa sa atin ay hinihintay pa na bumuka ang bibig at pakpak ng manok sa pagkakahingal bago ito hanguin.
Bakit ba natin ito ginagawa at ano nga ba ng totoong benepisyo na makukuha ng ating mga alaga mula sa sinag ng araw. Narito ang anim na benepisyo na maaring makuha nila base sa SIYENSIA.
1.
BONE
HEALTH
Vitamin
D, ang bitaminang ito ay responsible sa pag-absorb ng calcium. At dahil dito ay
kailangan nila ng sikat ng araw para ma-activate ang vitamin D mula sa kanilang
kinakain para sa mas matibay na buto.! Kung nagbibigay ka pa ng supplemet tulad ng LDI Calvex ay mas maabsorb pa ito ng manok mo sa tuwing isusuga natin siya sa umaga.
2.
MENTAL
HEALTH
Napapabuti
nito ang Brain Function at nagbibigay ng good mood. Ang pananatili sa lilim o
madidilim na lugar ay hindi maganda sa kalusugan at maaring magresulta sa
pagiging matamlayin. Katulad ng tao at ibon, ang pagbilad sa araw ay napaka
importante sa ating MENTAL HEALTH.
3.
HEALTHY
IMMUNE SYSTEM.
Tumataas
ang white blood cells ng ating mga manok sa tuwing nasisinagan sila ng araw.
Ang white blood cells ay ang lumalaban sa mga sakit at dinedepensahan nito ang
katawan laban sa mga impeksyon.
4. EXTERNAL BODY HEALTH
Napupuksa
nito ang mga germs at bacteria na nasa balahibo at balat ng manok. Sa pag
expose ng manok sa araw ay napapaganda rin nito ang quality ng balahibo pati na
rin ang pagtingkad ng kanilang plumage o kulay.
5. EYE HEALTH
Ang
pagtingin ng direkta sa araw ay hindi maganda, ngunit ang pag expose sa natural
sunlight ay nakakatulong sa brain function, dahilan para mapabuti ang
photosensitive cells ng kanilang mga mata.
6.
HORMONE
HEALTH
Ang sikat ng araw ay nakakapagtrigger sa utak para magrelease ng hormones. Naiiwsan nito ang pagkakaroon ng hormonal imbalance sa tuwing sobra o kulang ang kanilang hormone sa bloodstream. Nangyayari ang hormonal imbalance kapag ang manok ay na-stress dulot ng pagkakasakit o dahil sa magulong environment. Sa regular na pag-expose sa sinag ng araw ay maitatama nito ang hormonal imbalances na maaaring pinagdadaanan ng manok.
Malaking tulong ang pagbilad sa araw , pero pag sobra ang init ay nakakasama din. Sa pagsuga ng manok sa araw, sila ay mas tumitibay ngunit huwag kalimutan na ito ay may dulot na stress kapag hindi pa sila sanay sa ganitong routine. Sa mga unang yugto ng pagsasanay sa kanila ay mas mainam ng gumamit ng suplement na may electrolytes tulad ng Thunderbird Electrogen D+, Sagupaan Selectrogen, o LDI Multi-lyte etc.. Ang pagbilad ng manok sa araw sa pagitan ng 7am to 9am ang pinaka mainam. Para sa mga matatagal ng sabungero, ang benepisyo nito sa manok ay para pasiglahin ang buong abilidad ng manok, kasama na ang pagiging agresibo, pagka-macho, dagdag hangin, resistensya, lakas, kasabay na rin ang flexibility ng kanilang litid at muscle......Lahat ng ito ay makukuha mula sa natural na bitaminang naibibigay ng sinag at init ng araw.
Maraming Salamat. Hanggang sa muli!
-Hari Ng Ruweda /
No comments:
Post a Comment